^

Police Metro

Bebot binaril sa sentido, dedo

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na babae ang nasawi nang ito ay malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki habang nakatayo sa isang kanto ng kalsada, Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si alyas “Nene”, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, ala-1:40 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima sa kanto ng nasabing kalye nang lapitan ito ng isang hindi pa nakikilalang lalaki at walang kaabug-abog na binaril sa sentido.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Balagtas Public Market.

Narekober sa pinangyarihan ang isang basyo ng bala na  mula sa isang 9mm na baril.

Patuloy na kumaka­lap ang pulisya ng mga ebidensya, kabilang ang mga kuha mula sa CCTV at mga pahayag ng mga saksi.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with