^

Police Metro

‘Inday’ nakaalis na sa Pinas nag-iwan ng 18 patay, 8 missing

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Inday subalit nag-iwan ito ng 18 kataong patay dulot ng hagupit nito na pinalakas ng habagat sa rehiyon ng Mindanao.

Sa latest update ng PAGASA kahapon, alas-10 ng umaga nitong Sabado, si Inday ay huling namataan sa layong 590 kilometro ng hilaga-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng bansa. 

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD)OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, unang nagtala ng 15 patay at dumagdag ang tatlo pang bangkay na narekober kung saan dalawa rito ay sa Bukidnon habang ang isa ay sa Lanao de Sur.

Patuloy namang pinaghahanap ang walong nawawala, na tatlo rito ay mula sa Malapatan, Sarangani habang ang lima ay sa Calanogas, Lanao del Sur.

Sa kabila ng pag-alis ng bagyo, sinabi ni Alejandro, patuloy ang nararanasang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon rains kaya pinang-iingat ang lahat sa banta ng mga pagbaha at landslide.

Naitala naman sa mahigit kalahating milyon ang naapektuhan ng bagyo at habagat na nasa 112,000 pamilya o 514,000 katao mula sa 404 barangay.

Nasa 3,000 pamilya ang kinakanlong sa may 77 evacuation centers sa mga apektadong lugar habang nasa 7,000 na pamilyang nagsilikas ang nanuluyan sa mga kamag-anak at kaibigan. May 153 kabahayan naman ang nasira habang anim na lugar ang nawalan ng supply ng kuryente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with