Lacson bumuwelta: Cayetano kawawa, malapit nang bumigay!

MANILA, Philippines — Matapos tawaging ‘sunud-sunurang aso’.. Binuweltahan ni Senador Panfilo “Ping”Lacson ang pagtawag sa kanya ni Senador Alan Peter Cayetano na isang “sunud-sunurang aso” .
Ayon kay Lacson, na kawawa naman ang Senador at tila malapit nang bumigay o mag-meltdown.
“Kawawa naman. Kung anu-ano na sinasabi, Parang malapit nang bumigay. Sana hindi matuluyang mag-meltdown,” sa post ni Lacson sa X.
Giit pa ni Lacson na hindi niya aamin na siya ay aso, subalit si Cayetano ay kuya Ping pa ang tawag sa kanya kahit dati pa na isang pag-amin.
Ang reaksyon ni Lacson ay kaugnay sa pahayag ni Cayetano na si Senate President Pro Tempore Tito Sotto III at Senador Raffy Tulfo ay “tuta” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tinawag din nitong tuta ni Lacson si Senador Erwin Tulfo.
Samantala, sa isang mensahe sa mga mamamahayag ni Sotto sinabing hindi na dapat patulan ang mala-telenovelang mga ingay ni Cayetano na wala namang mararating.
Giit ni Sotto, isa lang itong pag-aaksaya ng oras at dapat nang sumulong para sa ikabubuti ng bansa.
- Latest



















