^

Police Metro

Dual-signatory, joint certification sa bagong mayorya, isinulong ng Cayetano bloc

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano ang isang dual-signatory o joint certification mechanism kasama ang bagong mayorya sa Senado na pinamumunuan ni acting Senate President Sherwin Gatchalian upang maiwasan ang tuluyang pagkaantala ng operasyon ng Senado.

Ang panukala ay nakasaad sa isang liham ni Jose Luis Montales, na siyang kalihim ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano, kay Senate secretary Renato Bantug, Jr. na muling itinalaga noong Miyerkules, Hunyo 3, nang ideklara si Gatchalian bilang acting Senate President.

Simula noon, tumangging kilalanin ng bloc ni Cayetano ang otoridad ng bagong grupo ng mayorya na iginiit na ang sesyon noong Hunyo 3 ay ilegal at labag umano sa Konstitusyon at mga patakaran ng Senado.

Ang isang posibleng kaayusan na isinusulong ng kampo ni Cayetano ay ang pag-aampon ng isang “dual-signatory o joint certification mechanism para sa mga voucher, tseke, disbursements, kontrata, mga aksyon ng tauhan, at iba pang mga dokumentong kinakailangan para sa patuloy na operasyon ng Senado at ng Impeachment Court.”

Ipinaalala rin ni Montales na ang Impeachment Court ay nakatakdang maglabas ng Pre-Trial Conference Order sa Hunyo 9, 2026, na itinakda ni Ca­yetano na noon ay pangulo ng Senado.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with