^

Police Metro

$$0 ektaryang landfill sa Navotas nasunog!

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Dulot ng matinding init ng araw, sumiklab ang apoy sa may 40 ektaryang Navotas Sanitary landfill facility sa barangay Tanza 2 sa Navotas City, kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang naturang landfill ay sinasabing hindi operational mula August 2025 pero nakitang may sumiklab na apoy na sinasabing under control na nitong Sabado.

Sinabi ni BFP spokesperson Fire Supt. Anthony Arroyo, nahirapan silang pasukin ang lugar dahil sa hindi makabiyahe ang fire trucks papunta sa landfill gabi ng Biyernes sanhi ng low tide at kailangang isampa ang mga fire trucks sa barge.

Sinabi ni Arroyo na nagsagawa sila ng alternative routes gamit ang kanilang heavy equipment dahil hindi makapasok ang fire trucks doon dahil sa pa­ngambang lumubog sa putik ang ­naturang sasakyan.

Bagama’t pahirapan ang responde, nagawa pa rin ng BFP na unti-unting maapula ang apoy sa pasilidad at hindi na nadamay ang mga kalapit na istraktura. Gayunman, sinabi ni Arroyo na bagama’t fire under control na ang pasilidad, pinayuhan ang publiko sa usok na likha ng sunog. Patuloy aniya ang pagtutulungan ng BFP sa Navotas Local Government at Philippine Air Force para ganap na maapula ang apoy sa pasilidad dakong alas-10:30 ng umaga kahapon.

“Dahil toxic yun, pag napunta roon sa ­neighboring residential area ay delikado,” babala ni Arroyo.

Sinasabing pagningas ng mga bagay na nagpo-produce ng methane gas at ang discarded butane lighters ang ugat ng sunog dahil sa matinding init ng panahon.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente dahil ang landfill ay malayo sa mga komunidad.

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with