6 sasakyan inararo ng trak: 2 todas
MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi matapos na araruhin ng isang 10 wheeler truck ang anim na sasakyan sa kahabaan ng Silang-Tagaytay Road, Brgy. Puting Kahoy sa Silang, Cavite, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar.
Nabatid na galing sa Laguna ang 10 wheeler truck at dahil sa pababa ang kalsada ay napabilis pa ang takbo at hindi na gumana ang preno kung kaya inararo ang isang SUV, 3 kotse at 2 motor na pawang may mga sakay.
Ang mga nasugatang sakay sa anim na sasakyan ay dinala sa magkakahiwalay na ospital kung saan ay dalawa ang idineklarang dead-on-arrival na inaalam pa ang pagkakakilanlan maging ang mga nasugatan.
- Latest















