^

Police Metro

Puganteng Koreano naaresto sa Pasay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Puganteng Koreano naaresto sa Pasay
Iprinisinta ni NBI Director Jaime B. Santiago sa media ang puganteng ­Korean national na si Jang Seong Woong, matapos na maaresto ng mga ahente ng NBI Organized and Transnational Crime Division (NBI OTCD) sa Pasay City kahapon. Si Jang ay wanted sa South Korea sa kasong kidnapping at serious physical injury, at overstaying na sa Pilipinas, simula pa 2020.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Isang puganteng Koreano na walong taon na nagtatago sa bansa ang nasakote ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City, kamakalawa.

Sa ulat na isinumite kay NBI Director Judge Jaime Santiago, Mayo 22, 2025, tagumpay ang pag-aresto sa puganteng si Jang Seong Woong, na may warrant of arrest mula sa Daegu District Court sa kasong Kidnapping at Serious Physical Injury, batay sa Interpol Red Notice.

Sa natanggap na komunikasyon at request mula sa Consul ng Embassy of the Republic of Korea ng Bureau of Immigration, sangkot si Woong at kaniyang mga kasamahan sa gang ay nagkulong ng isang ­lalaking may pagkakautang sa sugal at pinagpapalo nila ng baseball bat.

Noong Mayo 2017 nang dumating sa ­Pilipinas si Woong bilang turista at tuluyan nang nagtago kaya nasali ang pangalan sa blacklist order.

Nadakip siya sa operasyon ng NBI-Transnational Crime Division, katuwang ang BI-Fugitive Search Unit at pakikipagtulungan ng Korean National Police Agency (KNPA) at Philippine Air Force Military Intelligence.

PUGANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with