‘Pinas AI-ready na – Marcos

MANILA, Philippines — Handa na ang Pilipinas para makipagsabayan sa ibang bansa at sa buong mundo.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pangunahan ang inagurasyon ng kauna-unahang artificial intelligence (AI)-ready data center at pinakamalaking hyperscale facility sa Pilipinas kahapon sa Santa Rosa City, Laguna.
Ang pasilidad ay dinevelop ng VITRO Inc., sa ilalim ng PLDT Group, na pangunahing layunin ay suportahan ang pangangailangan sa advanced computing tulad ng cloud services at AI-driven technologies.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang pagbubukas ng data center ay patunay na handa na ang Pilipinas sa mundo ng digitalisasyon.
“I know would like to congratulate the Philippines because we now have this incredible facility which makes us AI-ready and definitely in the running to compete with our neighbors and our partners all around the world, and that is a very important achievement,” saad ng Pangulo.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na mayroon pang dapat gawin subalit handa na ang bansa upang makasabay sa mundo ng data processing.
Ang data center ang magsisilbing mukha ng Pilipinas sa digital innovation sa Asia-Pacific region at makakatulong sa mga negosyo sa bansa na mapahusay ang real-time data analytics, automation at paggamit ng next-generation digital tools.
Ang pasilidad ay kokonekta sa mga pangunahing VITRO hubs sa Makati City, Parañaque City at Pasig City.
- Latest