Pagpapabuti ng mga serbisyo at programa sa lalawigan ng Quezon, ibinida
MANILA, Philippines — Ibinida nitong Sabado ni Quezon 4th District Rep. Atorni Mike Tan ang kanyang mga legislative accomplishments at local projects para sa kanyang unang termino.
“Matapos ang ilang panahon ng ating panunungkulan, lawmaking man o paggawa ng mga batas o di naman kaya’y constituency concerns o pagpapatupad ng mga programa at proyekto -- nagawa nating panatilihin, ipagpatuloy, at pagbutihan pa ang mga serbisyo para sa ating mamamayan”, pahayag ni Cong. Mike.
Ibinida ng batang kongresista ang 27 Republic Acts na kanyang inakda kasama ang 27 na mga bagong batas na kanyang isinulong bilang co-author.
Ilan sa mga ito ay ang Republic Act (RA) 11981 o ang “Tatak Pinoy” (Proudly Pinoy) Act; RA 11997 o “Kabalikat sa Pagtuturo Act”; RA 12022 o ang “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act”; RA 12076 o ang “Ligtas Pinoy Centers Act”; RA 12026 na magdaragdag ng apat (4) na mga bagong korte sa Bayan ng Calauag, Quezon; at RA 11971 na nagtatayo ng College of Medicine sa Southern Luzon State University sa Lucban, Quezon at ngayon ay kilala bilang SLSU College of Medicine.
Magalak ding iniulat ni Cong. Mike ang mahabang listahan ng kanyang HEALING Plus at Sariling Sikap programs, projects, at services para sa ika-4 na Distrito ng Quezon.
- Latest