4 Koreano kalaboso sa online gambling

Iprinisinta ni National Bureau of Investigation deputy director at spokesperson Ferdinand Lavin ang dalawa sa apat na Korean national na kanilang naaresto sa pagpapatakbo ng illegal online gambling hub sa isang condominium sa Porac, Pampanga na walang lisensiya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasukol ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Korean nationals nang salakayin ang kanilang iligal na operayon ng online gambling sa isang condomi­nium sa Porac, Pampanga.

Iniharap ng NBI sa mga mamamahayg ang mga suspek na kinilalang sina Kim Minhua Kim Haesu, Kim Minsuu at Jan Jin.

Sinabi ni NBI De­puty Director Ferdinand Lavin na noong Pebrero 27, 2025, nagpatupad ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) ang NBI– Pampanga District Office (NBI-PAMDO) sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga.

Nag-ugat ang kaso sa impormasyon na ang mga suspek ay nagpapatakbo bilang isang illegal online gambling hub na walang lisensya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa pakikipagtulu­ngan ng Interpol, Korean Embassy, at Korean National Police Agency ay natuklasan na sina Kim Minha at Kim Haesu ay mga pugante at naisyuhan ng Interpol Red Notice.

Show comments