‘EJK victims sa drug war, alalahanin’ – Palasyo

MANILA, Philippines — Sa halip na purihin ang akusado, hindi dapat kalimutan ng mga filipino ang mga biktima at napatay sa madugong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang paalala ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro matapos ang pagharap ng dating Presidente sa International Criminal Court (ICC).
“Siguro po pag-usapan din po natin ‘yung mga’y diumano’y biktima. Hindi dapat puro sa kanila (accused) nakatuon ang atensiyon ng tao,” ayon pa kay Castro.
Dagdag pa niya, sa ngayon ay hindi napapansin ang naranasan ng mga biktima at ano ang naranasan ng mga pamilyang naiwan ng kanilang mga kamag-anak na umano’y biktima ng EJK o extrajudicial killing.
Tila nakalimutana na rin aniya ng publiko ang mga napatay sa war on drugs dahil sa kasalukuyan ay nakatutok lang ang diskusyon sa “akusado” na siyang naakusahan na parang nago-glorify pa.
Nanawagan din si Castro sa taumbayan na buksan ang kanilang isip at tingnan din kung ano ang naramdaman ng mga tao, ng pamilya ng mga biktima ng EJK.
Itinanggi rin ng palasyo na “demolition job” ang pag-aresto ng ICC kay Duterte at sinabing ang kaso ay sinampa kay Duterte ilang taon na ang nakakaraan.
- Latest