Militar nakaalerto sa anibersaryo ng CPP
MANILA, Philippines — Inalerto na ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang mga sundalo kaugnay ng paggunita sa ika-56 taong pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Galido, palaging nakaalerto ang tropa ng Philippine Army laban sa mga bayolenteng aktibidades ng New People’s Army (NPA) ang armed wing ng CPP.
Sinabi naman ni Philippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala, pinaalalahanan na ng liderato ng kanilang hukbo ang mga sundalo sa frontlines na maging alerto at ipagpatuloy ang internal security operations upang tiyakin na iiral ang peace and order sa kanilang mga hurisdiksiyon.
Binigyang diin ng opisyal na mahalagang matiyak na makakapagdiwang at makapagsasaya sa Kapaskuhan ang bawat mga pamilya ng maayos at mapayapa.
Una nang inihayag ng CPP-NPA-NDF na hindi ito magdedeklara ng ceasefire sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon dahilan sa patuloy aniya ang pag-atake ng tropa ng militar sa kanilang hanay.
- Latest