MANILA, Philippines — Nasa 40,000 pulis ang ipinakalat sa buong bansa para sa seguridad ng mga terminal ng bus, daungan at paliparan ngayong Kapaskuhan.
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo at pinayuhan ang mga pasahero na maaaring humingi ng tulong sa mga police assistance desk kung sakaling mayroon silang mga alalahanin.
Pinayuhan din ni Fajardo ang publiko na i-save ang contact number ng pinakamalapit na istasyon ng pulisya upang agad na makaresponde ang mga otoridad sa mga posibleng emergency.
Sa ngayon aniya, wala pa namang namomonitor na anumang mga untoward incident habang papalapit ang Pasko.
Nabatid kay Fajardo na katuwang din ng PNP ang Bureau of Fire Protection at maging ang Armed Forces of the Philippines.