Comelec binigyan ng akreditasyon ang 7 political parties sa BARMM polls

MANILA, Philippines — Pitong political parties ang inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan ng akreditasyon upang makalahok sa 2025 Bangsamoro Parliamentary elections.

Sa Comelec Resolution No. 11090, pinangalanan ang mga naturang accre­dited groups.

Inaprubahan din nito ang paglalathala ng sertipikadong listahan ng regional parliamentary political groups at kanilang mga nominado para sa Bangsamoro polls.

Nabatid na kabilang dito ang Bangsamoro Party, Bangsamoro People’s, Democratic Party, BARMM Grand Coalition, Mahardika Party, Moro Ako Party, Progresibong Bangsamoro Party, at United Bangsa­moro Justice Party.

Show comments