MANILA, Philippines — Upang maging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon sa mga nais magpaputok ay inilabas na ng Philippine National Police – Civil Security Group ang kanilang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic devices.
Alinsunod sa Executive Order 28 at Republic Act 7183, kabilang sa ipinagbabawal ang Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star (Big), Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb at Atomic Triangle.
Kasama rin dito ang mga malalakas na paputok tulad ng Large-size Judas Belt, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Kwiton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-in-Can, Pillbox, Kabasi, Special, Kingkong, Tuna at Goodbye Chismosa.
Ayon sa CSG, mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok na may explosive content na lampas sa 0.2 grams o higit sa 1/3 teaspoon.
Pinaalalahanan din ang publiko na tiyaking mula sa certified Philippine Standard retailers lamang ang mga bibilhing paputok upang masiguro ang ligtas at masayang pagdiriwang ng Bagong Taon.