Rider semplang, nagulungan ng bus, utas

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 19-anyos na motorcycle rider matapos sumemplang at magulungan ng bus sa Buliran Road, Brgy. San Isidro, Antipolo City, Rizal, kamakalawa.

Nakunan ng CCTV ng footage na bumagal ang bus nang dumaan ito sa isang lubak at ilang sandali ay nakita ang biktimang Limuel Disierra na nakahandusay sa tabi ng kanyang motorsiklo.

Ayon kay John Christopher dela Cruz, pinsan ng biktima, nawalan ng balanse si Disierra habang nag-overtake at pumailalim sa bus.

Sinabi ni Antipolo Police Chief Lt. Col. Ryan Manongdo na tatlo ang bus na bahagi ng convoy na nagdadala ng mga estudyante para sa educational tour at ang ikatlong bus ay tumama sa biktima.

Nahuli ng mga otoridad ang driver ng bus sa isang themed park sa Laguna at sinabi driver na hindi niya alam ang aksidente.

Show comments