^

Police Metro

3 seaman niratrat ng sundalo, 2 todas

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang seaman habang nasugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang sundalo habang nag-iinuman sa loob ng isang videoke bar sa Zone-6, Brgy. Sta. Rosa Del Sur, Pasacao, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang nasa­wing seaman na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Roberto Cania, 58; Godofredo De Austria, 42 kapwa residente ng Macrohon, Southern Leyte.

Habang nasugatan si Socrates Yang Uy, 50, residente ng Calamba, Misamis Occidental.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen ay bumaba ang tatlong biktima sa nakadaong nilang cargo vessel na MV/ Xander na kargado ng semento sa Pasacao Port upang magrelaks at uminom sa Frontview Videoke Bar.

Habang nag-iinuman ang tatlo nang lapitan ng tatlong lalaki na ang isa ay miyembro ng Philip­pine Army at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Nang bumulagta ang tatlo ay tumakas ang sundalo habang isang kasama ay pinutol ang wire ng CCTV-camera habang ang isa ay umakto bilang look-out

Bukod sa nasabing sundalo na namaril ay sinampahan din ang dalawang kasama nito na ang isa ay kasapi ng Citizen Armed Forces Geogra-­
­p­hical Unit (Cafgu) na hindi muna pinangalanan ng kasong murder.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with