‘I am still a legitimate candidate for Marikina First District!’ - Teodoro

MANILA, Philippines — Nanindigan kahapon si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na siya ay nananatili pa ring lehitimong kandidato sa pagka-kongresista sa Unang Distrito ng Marikina City.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kasunod na rin ng resolusyong inilabas ng Commission on Elections (Comelec) First Division na nagkakansela sa kanyang certificate of candidacy (COC) matapos umanong maabot ang residency requirement na itinatakda ng batas.

Binigyang-diin ng alkalde na hindi pa naman ‘final and executory’ ang naturang desisyon at tiniyak na iaapela niya ito sa poll body.

Nagpahayag din siya ng paniniwala na may ‘political maneuvering’ sa kanyang kaso at sinabing, “The fact that two petitions were filed against me shows that there are political underpinnings that is geared towards my removal from the electoral race. I will not allow this to happen and will exhaust all legal remedies available to me.”

Ipinaliwanag pa ng alkalde na batay sa rules na na-promulgate ng Comelec, partikular na ang Comelec Resolution No. 11046, ang motion to reconsider sa isang resolusyon ng isang dibisyon ng Comelec ay maaaring ihain sa loob ng limang araw, mula sa pagkatanggap nito.

Show comments