2 ill-gotten wealth na kinasasangkutan ng mga Marcoses, ibinasura ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines — Ibinasura na ng Sandiganbayan ang dalawang ill-gotten wealth cases na kinasasangkutan ng tycoon na sina Eduardo Cojuangco Jr, Chief Presi­dential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, da­ting Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.

Ang desisyon ng ­korte ay kasunod ng pag-atras na gobyerno sa kaso matapos ang nagpapatuloy na negosasyon para compromise agreement at ang nagdaang rulings ng Korte Suprema.

Sa inilabas na 34-pahinang desisyon na may petsang Disyembre 5, pinagbigyan ng anti-graft court ang motion ng gobyerno na iatras na ang Civil Case No. 0033-A at ang Civil Case No. 0033-F.

Ang Civil Case 0033 ay ang pakikipagsabwatan umano ni Cojuangco kina dating pangulong Marcos, Imelda Marcos at iba pa na gamitin ang Philippine Coconut Authority (PCA) at ang Coconut Consumers Stabilization Fund (CCSF) para manipulahin ang pag-angkin nila ng 72.2 percen ng First United Bank para sa kanilang sariling interest.

Habang ang Civil Case 0033-F ay inakusahan si Cojuangco at ang mga kasamahan nito sa hindi tamang paggamit ng coconut levy funds para makabili ng dalawang bloke ng San Miguel Corporation Shares na isang paglabag kapag ­kinokolekta na ang levy.

Dahil sa walang komontra noong nagdaang July 2024 hearing ay pinagbigyan na ng Sandiganbayan ang hiling ng korte na ibasura na ang kaso.

Show comments