^

Police Metro

Hinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong Kapaskuhan - DOH

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Maghinay-hinay sa pagkonsumo ng mga pagkaing matataba, matatamis at maaalat, sa kanilang pagdalo sa kaliwa’t kanang pagtitipon, ngayong nalalapit na naman ang panahon ng Kapaskuhan.”

Ito ang paalala ni Department of Health (DOH) Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo sa publiko dahil ang pagkonsumo ng mga naturang pagkain ay makasasama sa kalusugan at maaaring magdulot ng karamdaman sa isang tao.

“Yang tatlong ‘yan—asin, asukal, at taba—’yan ang mga bagay na maaaring maging sanhi ng sakit katulad ng altapresyon, diabetes, o kaya ‘yung iba pang mga non-communicable diseases, kasama na ‘yung pagiging overweight or obese na nagiging problema sa ating puso at iba pang bahagi ng katawan,” ayon pa kay Domingo.

Dagdag pa niya, dapat ring maging disiplinado ang mga Pinoy sa pagkonsumo ng mga nakalalasing na inumin upang makaiwas sa aksidente.

Mas makabubuti rin aniya kung sasabayan ng ehersisyo ang pagkain upang mabawasan ang mga kinakaing calories.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with