^

Police Metro

P45 milyon halaga ng taklobo, nasabat

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 30 tonelada ng mga giant clam shells, o “taklobo” na aabot sa P45 milyong halaga ang nasabat ng mga otoridad sa isang bakanteng lote sa Patikul, Sulu.

Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Sulu Maritime Police Station (MARPSTA) at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) sa Sulu, makaraang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa umano’y ilegal na koleksyon ng mga higanteng taklobo.

Nakita ang mga taklobo sa isang bakanteng lote sa Barangay Taglibi.Gayunman, patuloy pang hinahanap ang may-ari at financier ng mga ito.

“Base sa hitsura ng ating na-recover, matagal na dahil marami nang damong tumutubo doon banda sa paligid ng shell. Base sa imbestigasyon namin, paunti-unti nila itong tinatambak ayon kay Police Major Fritze James Madrid, hepe, Sulu Maritine Police Station.

Idinagdag ni Madrid, na ipinagbabawal ang pa­ngongolekta, pagkuha at pagbebenta ng mga naturang uri ng taklobo na endangered species na.  

NAHULI

NASABAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with