PCG nasa heightened alert ngayong Kapaskuhan

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong holiday season ay nasa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) nitong mula sa December 13, 2024 hanggang ­January 6, 2025

Ayon kay Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ipinag-utos na sa Coast Guard districts, at mga istasyon at sub-station na paigtingin ang seguridad at kaligtasan sa mga daungan at terminal.

Patuloy na nagsasagawa ng 24/7 monitoring sa mga ruta ng pantalan lalo na sa Visayas na kadalasang desitinasyon ng mga turista at tinitiyak na handa ang deployable response groups at PCG Auxiliary (PCGA) sa ligtas na operasyon sa dagat, dagdag ni Gavan.

Magkakaroon aniya ng mga mahihigpit na inspeksyon sa mga pasahero, bagahe, terminal, at barko para sa kaligtasan at kaayusan ng port ope­rations.

Magde-deploy rin ng mga medical teams para sa agarang pagresponde kung may emergency at magsasagawa ng patrolya ang mga lifeguards, first responders, at karagdagang PCG personnel sa mga maritime tourist destinations.

Show comments