Priority bills, 2025 national budget minamadaling ipasa ng Kamara
MANILA, Philippines — Patuloy si House Speaker Martin Romualdez sa pagtaguyod sa Kongreso para madaliin ang pagpasa ng mga mahahalagang batas lalo na ang 2025 national budget sa kabila ng mga batikos at patutsada ng isang grupo.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa halip patulan ang mga tirada sa kanya at mga kasamahan, mas nanaisin na lang niya ang mag-focus sa mga mahahalagang bagay.
“Maraming problema ang bansa na kailangang pagtuunan ng pansin gaya ng mataas na presyo ng bilihin at kalusugan lalo na ng mga mahihirap na mga kababayan natin,” wika ni Romualdez.
Ayon pa sa lider ng kongreso, na unti-unti na natutuklasan sa pamamagitan ng hearing ng quintacom na may mga cartel at nagmomonopolya ng presyo ng bigas at iba pang pagkain.
“Once we get their names, kakasuhan natin para magsilbing babala sa iba. Hopefully, bababa ng pagkain,” ayon kay Romualdez.
Idinagdag pa ni Romualdez na pagdating sa kalusugan ay pinupukpok na ang PhilHealth para sa mga benepisyo na maaring mapakinabangan ng taumbayan at maging 30 percent bill ng pasyente na sasagutin nila.
- Latest