Bato iginiit ang pagkakaisa ng militar kontra destab plot
MANILA, Philippines — Kasabay nang pagsuporta sa kompirmasyon sa ad interim appointment at nomination ng 15 general at flag officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP), binigyan-diin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang kahalagahan ng pagkakaisa sa hanay ng militar para labanan ang anumang pagtatangka na pabagsakin ang pamahalaan.
Ayon sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP), batid niya ang hirap ng mga opisyal na ito dahil bilang sundalo, ang kanilang buhay ay nakalagay sa peligro habang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang bansa at mga mamamayan mula sa mga nais wasakin ang demokrasya, gayundin ang nagbabanta sa soberanya at territorial integrity ng bansa. “Ang buhay ng bawat sundalo ay may kalakip na panganib sa kanyang tinatahak na landas.Kabalikat niya ang panalangin na ang mga hamon ng paglilingkod ay matagumpay na magbunga ng kapayapaan, at sanggalang sa kapahamakan.
Nasa puso niya ang mataimtim na pananalig sa patnubay at pag-aaruga ng Poong Maykapal sa lahat ng pagsubok at dusa,” ang pahayag pa ng senador.
Sinabi rin ni Dela Rosa na nakikiisa siya sa mahalagang gawain ng mga AFP officer na pagsasakripisyo ng kanilang buhay upang matamasa ng lahat ang kalayaan at kaunlaran sa isang dakilang bansa.
Sa ginanap na committee deliberation, tinanong ng Mindanaoan Senator si Lieutenant General Ferdinand Barandon, ang commander ng AFP Intelligence Command, kung mayroong na-monitor na anumang destabilization effort laban sa gobyerno, na ayon naman kay Barandon ay wala.
Siguruhin niyo na hindi kayo ma-penetrate diyan ng destabilizers or what. Kung meron mang destabilizer, siguruhin niyong magkaisa kayo. Hindi ‘yung hati-hati kayo para walang giyera,” ang sabi pa ng mambabatas.
- Latest