MANILA, Philippines — Nasabat ng mga otoridad ang nasa 21 inabandonang parcel Central Mail Exchange Center, Pasay City na naglalaman ng illegal drugs na may street value sa P13 milyon.
Ang parcel na napag-alaman na naglalaman ng mga aklat, wiring harnesses, skincare products, at mga damit ay hinarang ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IATG) sa isang routine screening.
Na-detect sa X-ray scan kaya’t isinagawa ang pagsusuri ng K-9 dogs at dito ay nakuha ang nasa 7.79 kilograms ng high-grade marijuana, o “kush,” na nagkakahalaga ng P10.9 million, kasama ang 1,229 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P2.08 milyon.
Hindi muna binanggit ang pinagmulan ng mga parcels dahil sa iimbestigahan din ng international counterparts for further examination. Isinailalim na sa imbestigasyon ang consignee, o recipient ng mga parcels.
Ang nasamsam na mga droga ay nasa kustodiya na ng PDEA para sa laboratory examination.