Pulisya tukoy na ang 5 suspek sa pagpatay sa car trader
MANILA, Philippines — Nasa limang lalaki kabilang ang isang ahente ng sasakyan ang mga salarin sa pagbaril sa mag-asawa na ikinasawi ng lalaki habang sugatan ang misis nito naganap sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Lt. Col. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas police, na natukoy na nila ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Edzcel Lumboy, isang used car dealer, 46 at ang sugatang asawa nitong si Jackelou, 44, na nagawang tumakas sa kanilang sasakyan at nagawang makatakas upang humingi ng tulong sa mga bantay nayon.
“Mayroon na tayong suspek, gayunpaman, hindi natin mabubunyag ang kanyang pagkakakilanlan at dalawa sa kanyang mga kasamahan dahil sa patuloy na operasyon laban sa kanila,” ani Balano.
Ang dalawang kasamahan ng gunman ay sakay ng isang motorsiklo habang nagpapanggap sila bilang look-out at back-up ng salarin sa panahon ng krimen, sabi ni Balano. Isang criminal charges ng robbery with homicide at frustrated homicide ang nakatakdang ihain sa prosecutor office laban sa tatlong suspek.
Si Jackelou ay nasa maayos ng kondisyon ngayon sa hindi nabatid na ospital para sa pag-iingat sa seguridad at positibo niyang natukoy ang umatake sa tulong ng screen shot mula sa video call sa kanilang cellphone ng gunman na nagpanggap na ahente.
- Latest