MANILA, Philippines — Nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption ang Taal Volcano sa Batangas, kahapon ng alas-5:58 ng umaga na lumikha ng nasa 2,800-metrong pagluwa ng kulay abo na plume, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nagtala rin ang bulkan ng dalawang volcanic tremos na may apat na minuto ang haba, pagluwa ng 7,216 tonelada ng asupre at long term deflation ng Taal Caldera, Short term inflation sa general northern at southeastern flanks ng Taal Volcano Island (TVI).
Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa TVI lalo na sa may main crater at Daang Kastila fissures, pamamalagi sa Taal Lake at pagpapalipat ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng Bulkan dahil sa banta ng pagsabog, volcanic earthquakes, minor ashfall at pagluwa ng volcanic gas.
Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa Alert Level 1 o may mababang level unrest.