MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang estudyante na magka-angkas sa motorsiklo nang tambangan ng mga armadong nakapuwesto sa gilid ng kalye sa Barangay Inug-ug sa Pikit, Cotabato kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Pikit Municipal Police Station, patungo na sana sa kanilang paaralan ang mga biktimang sina Muslimin Saimin Sandialan at Rafael Andig Indong, parehong Grade 11 students, nang pagbabarilin sa Barangay Inug-ug.
Patay agad sa mga tama ng bala si Sandialan habang sa hospital naman nalagutan ng hininga si Indong na kapwa residente ng Barangay Kabasalan, Ligawasan ng Bangsamoro Region
Mabilis na nakatakas ang mga suspek patungo sa Brgy. Poblacion ng Pikit.