MANILA, Philippines — Isinampa na kahapon ng hapon ng advocacy groups ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.
Ang reklamo ay isinampa sa Secretary General’s Office ng House of Representatives ng mga civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives, at pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings na opisyal na tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco, ganap na alas-4:30 ng hapon.
Ang mga nagsampa ng reklamo ay sina Teresita Quintos Deles, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Robert Reyes, Randy Delos Santos (tiyo ng Tokhang victim Kian Delos Santos), Francis Aquino Dee, Leah Navarro, Sylvia Estrada Claudio, Alicia Murphy, Sr. Mary Grace De Guzman, dating Magdalo Rep. Gary Alejano, at iba pa.
Sila ay sinamahan ni Mamamayang Liberal partylist first nominee at dating senator Leila De Lima, na umaaktong spokesperson ng grupo.
Sa panayam kay Cendaña na ang grounds ng impeachment complaint ay ang betrayal of public trust, culpable violations of the Constitution, at iba pang high crimes.
“Today, I formally endorse the first-ever and historic impeachment complaint filed by our citizens against Vice President Sara Duterte. This moment marks a critical juncture in our nation’s demand for accountability,” wika ni Cendaña.
“I stand in full support of the brave citizens calling for Duterte to answer for her blatant violations of the Constitution, egregious corruption, and complicity in mass murder,” dagdag pa nito.
Ayon pa kay Cendaña, na si Duterte ay dapat ma-impeach dahil sa umanoy pang-aabuso sa kapangyarihan at paglulustay sa pera ng bayan.