150 bahay naabo sa siyam na oras na sunog

Sa ulat, alas-9:46 ng gabi nang magsimula ang apoy sa No. 919 Playground Compound, Barangay 310, Zone 31, Quezon Boulevard, bahagi ng Sta.Cruz, Maynila.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 150 kabahayan ang naabo sa halos siyam na oras na sunog sa isang residential area, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nasa 450 pamilya ang nawalan ng tirahan at wala namang naitalang nasawi dahil sa sunog habang dalawang residente ang nagtamo ng 2nd degree burns sa siko at paa.

Sa ulat, alas-9:46 ng gabi nang magsimula ang apoy sa No. 919 Playground Compound, Barangay 310, Zone 31, Quezon Boulevard, bahagi ng Sta.Cruz, Maynila.

Umakyat sa ika-5 alarma pagsapit ng alas-10:25 ng gabi, idineklarang fire under control ala-1:49 ng madaling araw at alas- 6:24 ng umaga nang ideklarang fire-out.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang apoy sa apat na palapag na gusali na pag-aari ng isang Gerardo Bantay.

Ilang mga liquified petroleum gas (LPG) ang posibleng sanhi ng lalo pang pagkalat ng apoy batay sa nagpuputukan sa lugar na nasusunog.

Show comments