Team Albay, muling binuhay upang umayuda sa Catanduanes

MANILA, Philippines — Muling binuhay ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Sarte Salceda ang kanyang dating prem­yadong Team Albay ng Team Albay Youth Organization (TAYO) upang madaliang mag­hatid ng ayudang “relief, medical, water sanitation, communications, agriculture rehabilitation and psychosocial interventions mission” sa Catanduanes na ma­tinding binugbog at sinalanta ng mabangis na bagyong Pepito.

Ang TEAM Albay ay isang “humanitarian and disaster relief mission” na pinasimulan noong 2007 ni dating Albay Governor Salceda.

Ito ang kauna-unahang malawakan o “fully integrated disaster res­ponse mission” na dumating sa Tacloban City matapos itong salantahin ni “super typhoon” ­Yolanda noon. Ang ­misyon naman nito ngayon ay ang mga bayan ng Pandan, Panganiban, Gigmoto, Caramoran, Bagamanoc at Viga sa hilagang bahagi ng Catan­duanes kaya pinangalanan itong “Oplan PaPaGCaBaVi.”

Binugbog at sina­lanta ni Bagyong Pepito ang 269 barangay sa 11 bayan ng Catanduanes, at bumiktima sa mga 38,000 pamilya na binubuo ng mga 133,426 katao.

Show comments