ISANG 89-anyos na ama sa Kobe, Japan ang hinangaan nang magbisikleta ito mula Kobe patungong Tokyo upang bisitahin ang kanyang 61-anyos na anak.
Sa halip na sumakay ng bullet train, pinili ni Mitsuo Tanigami na maglakbay ng 600 kilometers sa loob ng siyam na araw gamit ang electric-assist bicycle.
Sa kabila nang matinding ulan, malalakas na hangin, patuloy niyang tinahak ang ruta gamit ang isang papel na mapa.
Pagkatapos ng siyam na araw, nakarating si Mitsuo sa Tokyo noong Marso 25, kung saan sinalubong siya ng kanyang anak na si Naoya.
Ang kakaibang biyahe ni Mitsuo ay naging patunay na walang katapusan ang sakripisyo at pagmamahal ng isang magulang.
Sa pag-uwi ni Mitsuo sa Kobe, sumakay na ito ng bullet train at inihabilin muna ang kanyang bisikleta kay Naoya.