7 mag-anak nilamon ng lupa

Illustration map of Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Bahay natabunan sa N. Vizcaya

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng pamilya ang nasawi habang tatlo ang nailigtas matapos tabunan ng lupa ang kanilang mga bahay sa barangay Labang, Ambaguio, Nueva Vizcaya matapos ang paghagupit ng bagyong Pepito.

Sinabi ng disaster office ng probinsya na natabunan ang bahay ng magkakamag-anak na nasa gilid ng bundok.

Sa isinagawang rescue ops, tatlo ang nasagip, habang pitong bangkay ang narekober.

Ayon sa disaster office ng nasabing probinsya, natabunan ang bahay ng magkakamag-anak, na matatagpuan sa gilid ng bundok.

Tatlo pa ang na-rescue ngunit pitong bangkay naman ang narekober.

Ayon kay Gov. Jose Gambito, Biyernes pa lamang ay nagbabala na sila para sa evacuation subalit nabigla umano ang lahat dahil maging ang mga hindi nababahang lugar ay tumaas ang antas ng tubig.

Inihayag kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat na mayroong isang nasawi naman sa pananalasa ng Bagyong Pepito sa Camarines Norte.

Inaasahan namang lalabas na ang nasabing bagyo sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw.

Show comments