Gobyerno ‘di manghihimasok kung susuko si Digong sa ICC

Former President Rodrigo Duterte attends the Senate's probe into his administration's war on drugs on Oct. 28, 2024.

MANILA, Philippines — Hindi manghihimasok ang pamahalaan kung nais sumuko o magpasakop sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire,” wika ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Subalit ayon sa kalihim, kung ipasa ng ICC ang proseso sa International Criminal Police Organization o Interpol na maaaring maglabas ng isang red notice sa mga otoridad ng Pilipinas, ay walang magagawa ang pamahalaan kundi igalang ito.

Sa sandaling mangyari aniya ito, ang mga law enforcement agencies ay walang magagawa kundi makipagkooperas­yon sa Interpol dahil na rin sa protocol.

Ang reaksyon ni Bersamin ay ginawa matapos ang pahayag ni Duterte sa Quadcom hearing sa Kamara na nais niyang mag-imbestiga na agad ang ICC sa umano’y crimes against humanity laban sa kanya.

Show comments