Misis itinumba ng tandem sa tapat ng bahay
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 37-anyos na babae nang pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Danica Anna Del Puso, may live-in partner, ng Arellano St., Barangay 732 Malate, Manila.
Sa ulat, naganap ang pamamaril, alas-9:30 ng gabi sa Arellano St., tapat ng St. Benilde at tapat din ng bahay ng biktima.
Batay sa paglalarawan, isa sa dalawang suspek ang armado ng kalibre .45 baril na nakasuot ng pula na hooded jacket, at kaangkas ang isa pang suspek sa motorsiklo.
Tumakas sa direksyon ng Quirino Highway ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod pa sa Ospital ng Maynila na idineklarang patay alas-10:34 ng gabi.
- Latest