MANILA, Philippines — Isang rider ang nasawi matapos na sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo nang mabangga niya ang isang aso sa Barangay Silangang Mayao, Lucena City, Quezon, kamakalawa.
Ayon sa ulat ng pulisya, binabagtas ng biktimang si alyas “Jian”, 21, ang Maharlika highway patungo sa direksyon ng city proper nang biglang tumawid at nabangga nito ang isang aso.
Dahil mabilis ang takbo ay nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima saka tuluyan itong sumemplang kasama ang motorsiklo na naging sanhi upang magtamo ito ng matinding injury sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan at mabilis na dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival (DOH) habang namatay din ang aso.