MANILA, Philippines — Inangkin na ni dating President Donald Trump ang panalo sa 2024 Presidential Election sa Amerika laban sa katunggali na si Vice President Kamala Harris.
Ginawa ni Trump ang pag-angkin sa panalo matapos dominahin ang botohan.
Ayon kay Trump, ang kanyang panalo at isang “political victory” na hindi pa nasasaksihan ng kanilang bansa kahit kailan.
“It’s a political victory that our country has never seen before,” ani Trump habang pinapalibutan ng kanyang pamilya at mga supporters sa campaign headquarters sa Florida.
Nagtalumpati si Trump matapos makuha ang boto sa Pennsylvania at mga tinatawag na “swing states” na kinabibilangan ng Michigan, Nevada at Wisconsin.
Binati naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Trump at inaasahan niya ang pagtutulungan dito para sa kapakinabangan ng dalawang bansa na may malalim na ugnayan, magkatulad na paniniwala, magkasanib na pananaw, at mahabang kasaysayan ng pagtutulungan.