Pumugot sa ulo ng sekyu ng car dealer, tiklo

MANILA, Philippines — Naaresto na ng Que­zon City Police District (QCPD) ang suspek sa pamumugot ng ulo sa security guard ng isang car dealer sa lungsod noong nakaraang taon.

Sa report na tinanggap ni QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr., nakilala ang suspek na si Michael Caballero y Padilla, 47, driver, residente ng Brgy. Balong Bato ng lungsod.

Si Caballero ay itinuturing na Top 1 District Level Most Wanted Person matapos ang pagpatay sa security guard ng Ford Balintawak na si ­Alfredo Valderama Tabing.

Nabatid na naaresto si Caballero nitong Lunes, Oktubre 28 sa loob ng Branch 87, Regional Trial Court (RTC), Hall of Justice, Annex Building ng Que­zon City Hall Complex, Brgy. Central, Quezon City.

Nahaharap si Caballero sa mga kasong Robbery with Homicide (Art. 294[1] ng Revised Penal Code) at paglabag sa Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.Wala ring piyansang inirekomenda ang korte.

Show comments