Bagyong Leon lumakas pa; 125 patay kay ‘Kristine’

The Police Regional Office in Calabarzon conducts retrieval operations of buried individuals following a landslide in Talisay, Batangas due to Severe Tropical Storm Kristine on Oct. 25, 2024.
PRO Calabarzon

MANILA, Philippines — Lumakas pa kahapon ang bagyong Leon habang umabot sa 125 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sama ng panahon at Severe Tropical Storm Kristine.

Hanggang alas-10:00 ng umaga, sinabi ng PAG­ASA ng weather service na nasa 590 km silangan ng Tuguegarao City si Leon na may lakas ng hanging aabot sa 130 kph at pagbugsong aabot sa 160 kph. Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.

Samantala, sinabi kahapon ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 125 katao ang naiulat na namatay sa gitna ng pananalasa nina Leon at Kristine.

Sinabi rin ng NDRRMC na 28 katao ang naiulat na nawawala at 115 ang naiulat na nasugatan.

May kabuuang 7,134,954 katao o 1,789,276 na pamilya ang naapektuhan ng dalawang weather disturbance sa 17 rehiyon sa bansa.

Karamihan sa mga apektadong indibidwal ay naiulat sa Bicol Region na may 2,746,214, sinundan ng Central Luzon na may 1,056,460 at Calabarzon na may 701,985.

Sa apektadong populasyon, 531,387 katao o 121,814 na pamilya ang nananatili sa loob ng mga evacuation centers habang 403,727 katao o 84,137 pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.

May kabuuang 83,777 bahay ang nasira—78,286 ang partially at 5,491 ang kabuuan.

Show comments