COA, World Bank magtutulungan para sa pagpapabuti ng mga proseso nang pananagutan

MANILA, Philippines — Nagdaos ng isang pulong kamakailan ang Commission on Audit (COA) at ang World Bank upang palakasin ang kolaborasyon sa pagpapabuti ng mga proseso ng pananagutan sa gobyerno at ipakita ang mga pinakamahusay na kasanayan sa pag-audit ng COA sa buong mundo.

Ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) na pinangunahan ni COA Chairperson Gamaliel A. Cordoba ay nakipagpulong sa mga senior financial management specialists ng World Bank na pinangunahan ni G. Patrick Piker Umah Tete upang talakayin ang mas matibay na pakikipagtulungan sa pagpapalakas ng pananagutan noong 23 Oktubre 2024 sa Makati City.

Sinabi ni Chairperson Cordoba na inaasahan niya ang mas matibay na pakikipagtulungan sa World Bank lalo na sa larangan ng digitalisasyon sa pagsasagawa ng audit.

Kinilala ng World Bank ang mahusay na trabaho ng COA sa pag-audit at binanggit na bilang isang Supreme Audit Institution, na­ngunguna ang COA sa pandaigdigang antas lalo na sa natata­nging programa nitong Citizen Participatory Audit (CPA). Nais ng World Bank na muling­ makipag-ugnayan sa COA upang makita kung paano umunlad ang CPA matapos itong ma-institusyonal at kung paano nito nililimitahan ang panganib at pinapalakas ang pananagutan.

Show comments