MANILA, Philippines — Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tulungan ang mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine sa pamamagitan ng ‘aid at rescue operations.’
Sa katunayan, naka-deploy na ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para suportahan ang mga lalawigan na apektado ng bagyo.
“Yesterday we stared sending aid and commenced rescue operations in the areas affected by STS Kristine. Today, we will continue sending our help and aid,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“I make this pledge to our people: Help is on the way. It will come by land, air, and, even by sea,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, inatasan na ng Chief Executive ang ganap na pagkilos ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at resources nito para tumulong sa relief operations.
“Other uniformed agencies, such as the PNP, BFP and the Philippine Coast Guard (PCG), were also placed on high alert,” ang sinabi ng Pangulo.
Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang uniformed personnel na mag- deploy ng mga sasakyan, aircraft, bangka, barko at lahat ng iba pang transportation assets para sa ‘rescue, relief at rehabilitation.’
Ayon sa Pangulo, maaaring gamitin ang presidential helicopters para tulungan ang mga typhoon victims.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na “all personnel leaves, except for medical reasons and those with humanitarian justifications, in the uniformed services, are deemed canceled.”
Ang AFP at PNP medical corps ay kasama naman sa relief effort bilang frontline personnel.