10 babae nasagip sa prosti den

MANILA, Philippines — Sampung kababaihan na kinabibilangan ng limang menor de edad ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) mula sa dalawang  online prostitution den sa lalawigan ng Quezon.

Sa report na tinanggap ni PNP-ACG director Maj. Gen. Ronnie ­Francis Cariaga, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU 4A) nitong Oktubre  12 sa prostitution den bunsod ng beripikadong impormasyon.

Armado ng warrants to search, seize, and exa­mine computer Data (WSSECD) na inisyu ng Presiding Judge ng RTC sa Calamba City, Laguna, tinungo ng mga oto­ridad ang prostitution den sa Tayabas at Lucena sa Quezon Province at dito ay limang suspek na nagpapatakbo ng prostitution den ang naaresto.

Show comments