Mga manggagawa hanggang sa laylayan ng lipunan, ipaprayoridad - Cong. Tulfo

Erwin Tulfo files certificate of candidacy for senator under Lakas–CMD at the Manila Hotel on October 6, 2024
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — “Hindi lang mga poorest of the poor, senior citizens, persons with disabilities (PWDs) solo parents, kundi pati mga manggagawa at overseas Filipino workers (OFWs) ang kanyang ipaprayoridad pagdating niya sa Senado.”

Ito ang tiniyak kahapon ni Cong. Erwin Tulfo nang magtungo kahapon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa The Manila Hotel upang ihain ang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador.

“Okey lang ituloy natin ang pagtulong sa mahihirap at bulnerable ng lipunan na makaahon dahil kulang o wala pa,” ayon kay Cong. Tulfo, nang makapanayam ng mga mamamahayag.

“Pero at the same time, wag din nating kalimutan ang mga nasa gitna o mga manggagawa na kadalasan ay nakakalimutan bagama’t sila ang malaking ­ambag sa ating ekonomiya,” dagdag pa niya.

“Problema kasi nila, paano paabutin ang kita hanggang sa susunod na sweldo,” dagdag pa ng mambabatas. “Dagdag sahod at magandang bene­fits kasama na, kung pwede, ang maayos na retirement package ay ipu-push natin.” Tiniyak rin ng mambabatas na susuportahan niya ang Anti-Dynasty bill pag-umabot sa punto na kailangan ng magbotohan sa Senado.

“Hindi lang naman ang Tulfo ang pwedeng tumakbo. Lahat pwedeng manungkulan, at maa­ring mas magaling pa sa ­aming magkakapatid,” ayon sa nakababatang kapatid ni Sen. Raffy Tulfo.

Pero ngayon, ipina­ubaya daw nila sa taumbayan kung gusto ng mga tao na may tatlong Tulfo sa Senado.

Show comments