Mag-ama binaril sa parking lot, patay

Kaagad na binawian ng buhay ang mga biktimang sina alyas ‘Phil’, 53, at kanyang anak na si ‘Ipe,’ bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Wikipedia

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang mag-ama habang isa ang nasugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nakatayo sa parking lot ng isang palengke sa Antipolo City, Rizal, kama­kalawa ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang mga biktimang sina alyas ‘Phil’, 53, at kanyang anak na si ‘Ipe,’ bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nasugatan naman at kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si alyas ‘Fred.’

Nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang hindi pa nakikilalang salarin na inilarawan lamang na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at itim na Balaclava Mask.

Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-7:40 ng gabi nang maganap ang krimen sa parking lot ng MLQ Wet and Dry Market na matatagpuan sa F. Manalo St., Brgy. San Jose, Antipolo City.

Nabatid na nakatayo lamang sa lugar ang mga biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan sila ng bala.

Hinala ng pulisya na may nakaalitan ang mag-ama na umano ay laging naninita sa parking.

Show comments