Misis pinagbabaril ni mister, todas!

Sa inisyal na ulat ng Dasmariñas City Police pulisya, alas-11:40 ng gabi nang maganap ang malagim na insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis nang pagbabarilin ng kanyang ­mister sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Salitran 1, lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng Dasmariñas City Police pulisya, alas-11:40 ng gabi nang maganap ang malagim na insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima, narinig umano niya na nagtatalo ang kaniyang ina at ama hanggang sa makarinig umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Agad na pinuntahan ng anak ang kuwarto ng kaniyang ina at dito na tumambad nakita ang nakabulagtang nanay na kinilalang si Marianne Diana, nasa hustong gulang na duguan at nakahandusay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na “Kenny” na kasalukuyan tinutugis na ng pulisya.

Show comments