^

Police Metro

‘Fly-voting scheme’, pinaiimbestigahan ng mga residente

Doris Franche-Borja - Pang-masa
�Fly-voting scheme�, pinaiimbestigahan ng mga residente
A man casts his vote during the presidential election at a polling station in Manila on May 9, 2022.
AFP/Chaideer Mahyuddin

MANILA, Philippines — Hiniling ng mga residente ng Cabiao, Nueva Ecija sa Senado, Kongreso, at Commission on Elections (COMELEC) ang umano’y malawakang “fly-vote for a fee” scheme na nagaganap sa kanilang bayan.

Anila, ang mapanlinlang na operasyon na pinamumunuan ng mga tiwaling political operators ay sinasamantala ang butas sa Omnibus Election Code na nagpapahintulot sa mga botante na ilipat ang kanilang rehistrasyon mula sa isang distrito, lungsod, o munisipalidad patungo sa iba.

Libu-libong rehistradong botante na karamihan mula sa mga lungsod tulad ng Valenzuela, Quezon City, Caloocan, bayan ng Talavera, Santo Domingo, Jaen, San Antonio sa Nueva Ecija at Arayat sa Pampanga, ang sistematikong inililipat sa Cabiao upang umano ay manipulahin ang bilang ng mga botante sa nalalapit na halalan.

Ito ay isang taktika na naglalayong baguhin ang resulta ng halalan sa pabor ng ilang kandidato, gamit ang mga bayarang botante na walang tunay na address o ugnayan sa komunidad kagaya ng Barangay Maligaya, Polilio, San Gregorio at iba pang barangay na gamit ang Barangay Certificate na isyu ng mga kakuntsabang barangay kapitan.

Bagaman legal ang isang beses na paglipat ng rehistrasyon ay malinaw na mayroong residency requirement ang Omnibus Election Code kabilang ang pagtira ng isang botante sa bagong lugar nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang halalan na malinaw na nilalabag ng mga political operators at ilang barangay officials ang nasabing patakaran.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with