MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na na-“shocked” o nagulat nang makita ang kanyang selda sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Ayon kay, BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na si Guo ay inilipat na sa kanyang selda noong Lunes ng hapon ng kung saan ay makakasama niya ang anim pang bilanggo na nahaharap sa kasong droga.
Nailipat si Guo mula sa Philippine National Police custodial facility sa Camp Crame papunta sa Pasig City Jail kasunod nang kautusan mula sa Pasig Regional Trial Court.
“Nagulat siya sa kondisyon ng kanyang selda marahil iniisip niya maganda ito” ayon kay Bustinera matapos magbigay ng impormasyon ang female warden ng pasilidad.
Sa kabilang ng inisyal na reaksyon ay wala naman naiulat na nagreklamo si Guo sa unang gabi sa selda na hindi rin nakipag-usap sa kanyang mga ka-cellmate.
Kaya ay pinakiusapan niya ang mga kasama sa selda na kausapin si Guo, upang hindi ito mailang.
Ang selda ni Guo ay malapit sa CCTV cameras at mahigpit ang seguridad at walang banta sa kanyang buhay.