Brgy. security force timbog sa higit P2 milyong shabu

MANILA, Philippines — Isang high value individual (HVI) na miyembro ng Barangay Security Force (BSF) ang naaresto sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang milyong halaga ng shabu sa Taguig City,kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naares­tong suspek na si alyas Roger, 56, residente ng Maguindanao St., Barangay New Lower Bicutan, Taguig.

Sa ulat,alas-12:50 ng madaling araw nang madakip si alyas Roger sa Brgy. New Lower Bicutan sa buy-bust operation at nasamsam ang nasa 330 gramo ng shabu na katumbas ng P2,244,000.00 standard drug price.

Narekober din sa suspek ang ginamit na buy-bust money na binubuo ng isang genuine P1,000 bill kasama ang 39 na piraso ng P1,000 boodle money, isang itim na handbag na naglalaman ng digital wighing scale.

Show comments