MANILA, Philippines — Isang pulis kasama ang misis nito at isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation naganap kamakalawa ng hapon sa Brgy. Boalan, Zamboanga City.
Kinilala ni Police Regional Office-9 Dir.Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ang tatlong suspek na sina Police Staff Sergeant Siddih Lajahasan Alliudin, Jr.,misis na si Mardie Abbas Alliudin; at PCG member na si Mohammad Sallie Lito Abbas na kung saan ay nakumpiska sa kanila ang nasa P13.6 milyon halaga ng shabu.
Ayon kay Masauding, agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit ng PRO-9 at mga operatiba ng Zamboanga City Police Office ang tatlo matapos silang bentahan ng dalawang kilong shabu sa isang entrapment operation sa Zone 6 sa Barangay Boalan sa lungsod.