Magpinsan paslit, lunod sa lawa

Kinilala ang mga biktima na sina alyas ‘Reanna,’ 11, special child, at alyas ‘Miracle,’ 6, kapwa residente ng Brgy. Ginoong Sanay, Binangonan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Nalunod ang isang magpinsang paslit matapos na magkayayaang maglaro sa lawa sa Binangonan, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas ‘Reanna,’ 11, special child, at alyas ‘Miracle,’ 6, kapwa residente ng Brgy. Ginoong Sanay, Binangonan.

Sa inisyal na ulat ng Binangonan Municipal Police Station, alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Sapa, Brgy. Ginoong Sanay na isang islang barangay.

Ayon sa ama ni Reanna, bago ang insidente ay nagtungo ang magpinsan sa lawa upang maglaro at nagulat na lang sila nang ibalita sa kanila ng mga kapitbahay na nalunod na pala ang mga ito.

Sinagip ang magpinsan at isinugod sa Margarito Dua­vit Memorial Hospital ngunit nasawi rin.

Show comments